Mahal ka ni Jesus

Mahal ka ni Jesus!
Napakaraming bagay na hindi natin maintindihan: mga giyera, tag gutom, kahirapan, kamatayan.
Bakit?
Marahil itatanong mo:  „Kung ang Diyos ay pag-ibig, bakit pinapayagan Niyang mangyari ang mga ito?“
Wala tayong tiyak na kasagutan sa lahat ng bagay.  Subalit isang bagay ang alam namin:  Mahal tayo ni Jesus!
Paano namin ito nalaman?  Si Jesus mismo minsan sinabi; „Wala ng pag-ibig na mas dakila pa kundi ang isa na ialay ang kanyang buhay para kanyang mga kaibigan.“
Yan ang ginawa ni Jesus.  Ini-alay Niya ang kanyang buhay para sa sang-katauhan.
Kailangan ba niyang gawin yun?
Alam namin na kailangang gawin yun.  Lahat ng kasamaan sa ating daigdig ay bunga nga ating pagiging makasalanan.  Ang kasalanan ang naghihiwalay sa atin sa Diyos at kapwa tao.  Ang kasalanan ay inaalis ang ating kapayapaan.  Ang kasalanan ay nagdudulot ng kaparusahan.
Inako ni Jesus and ating mga kasalanan.  „Ang kaparusahan ng kasalanan ay ipinataw sa Kanya“ ayun kay propeta Isaias.  Sa ganitong paraan, tayo ay magiging ganap at may pakikipag kapayapaan sa Diyos. Ginawa Niya ito dahil sa pagmamahal Niya bago pa man tayo ipanganak.
At mahal tayo ni Jesus magpa hanggang ngayon!
Sapagkat Siya’y buhay; binuhay Siya muli ng Diyos mula sa kamatayan.  Dahil si Jesus ay nagkatawang tao, nauunawaan Niya ang ating mga pinagdadaanan.  Naiintindihan din Niya ang inyong mga katanungan.
Subalit hindi ipinipilit ang pag-ibig Niya sa kaninuman;  pwede mo rin tanggapin ang Kanyang pag-ibig.  Tinanggap namin ito – at napatunayan na; Ito ay totoo!
Si Jesus ang pinagmumulan ng kapahingahan, kapayapaan at kasiyahan sa aming mga buhay.  Nakikinig Siya sa mga panalangin namin.  Nagbibigay Siya ng kaaliwan at lakas, kahit sa gitna ng mga pagsubok.
Nais mo bang malaman kung gaano kalawak ang pag-ibig Niya?
Manalangin ka at makipag ugnay sa mga taong nakaranas na ng pag-ibig ni Jesus, o maari kang lumiham sa amin.
Pagpalain ka nawa ng Panginoong Jesus Cristo!
 

Die Kommentare sind geschlossen.